Mga laro sa Miyerkoles:
4:30 p.m. – Columbian vs NorthPort
7 p.m. – Rain or Shine vs TNT
SUMANDAL ang Columbian kina import Lester Prosper at rookie star CJ Perez upang gulantangin ang San Miguel Beer, 134-132, sa over-time sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ay naputol ang three-game losing streak ng Dyip at umangat sa 2-6 kartada, habang nahulog ang Beermen sa 2-5, upang malagay sa balag ng alanganin ang kanilang kampanya.
Nagbuhos si Prosper ng 40 points at 13 rebounds, habang tumabo si Perez ng 34 points, 8 rebounds, at 4 assists. Nag-ambag si Rashawn McCarthy ng 27 points, 14 assists at 6 rebounds.
“Kailangan naming manalo rito at putulin ang three-game losing streak. Masaya ako at nagawa namin,” sabi ni Perez.
Ginawa ni Perez ang game-winning drive kung saan hinamon niya ang depensa nina import Charles Rhodes at Chris Ross sa makapigil-hiningang overtime game.
Naipuwersa ng Beermen ang overtime sa tres ni Arwind Santos, subalit na- outshoot sila ng Dyip sa extra period sa pinagsanib na lakas nina Perez, Glenn Khobuntin at Prosper.
Umiskor ang Columbian para sa 132-128 bentahe at sumagot si Santos para ilagay ang talaan sa 130-132.
Kinontrol ng Columbian Dyip ang first quarter kung saan dalawang beses itong lumamang ng 12 points, 24-12 at 23-21, at tinapos ang unang yugto na abante sa 33-26 .
Rumatsada ang Beermen sa 7-0 sa 4-minute run, kasama ang three-point play ni June Mar Fajardo matapos na umiskor si Perez para makalapit sa 33-35. CLYDE MARIANO
Iskor:
Columbian (134) – Prosper 40, Perez 34, McCarthy 27, Cahilig 9, Camson 9, Khobuntin 8, Corpuz 7, Cabrera 0, Escoto 0, King 0, Faundo 0.
San Miguel (132) – Rhodes 26, Fajardo 24, Lassiter 19, Santos 16, Pessumal 15, Cabagbot 12, Nabong 8, Ross 7, Tubid 3, Rosser 2, Standhar-dinger 0.
QS: 33-26, 59-53, 88-82, 118-118, 134-132
Comments are closed.