BIKTIMA NG TAAL VOLCANO MAHIGIT NA SA 40K

Taal Lake

CAMP AGUINALDO – UMAKYAT na sa kabuuang 40,752 katao o 9,527 pamilya ang naapektuhan ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa iba’t ibat  bayan sa Batangas at Cavite.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa bilang ng mga apektado, mahigit 18,000 ang tumutuloy sa 198 na evacuation cen­ters.

Agad namang nabigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya simula nang mag-alboroto ang Taal Volcano.

Sa katunayan,  umabot sa mahigit P1.1 mil­yon ang mga food at non-food items na naitulong ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa mga apektado ng pag-aalboroto ng bulkan.

Bukod sa pagdami ng  apektadong indibiduwal naitala rin ng NDRRMC ang mahigit P74,000 halaga na mga nasira sa agrikultura sa Batangas at Cavite

Sa ngayon, tuloy ang monitoring ng NDRRMC sa epekto ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas at iba pang lugar na apektado. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ