INIHAYAG ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bilyon-bilyong piso ang nasasayang sa tone-toneladang plastic na basura na itinatapon sa mga ilog at estero na lubhang nakaaapekto sa kalikasan.
Sinabi ng kalihim na ang basurang itinapon at naipon ng isang buwan sa ilog at estero ay anim na buwang lilinisin ng gobyerno at gugugulan ng bilyon-bilyong piso.
Kaya mahigpit ang panawagan ni DENR Secretary Roy Cimatu sa publiko na umiwas na sa paggamit ng plastic items.
Ang panawagan ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Celebration ng Environment Month ngayong Hunyo base sa Proclamation number 237.
Bukas, Hunyo 5, 2018 ay gugunitain naman ang taunang World Environment Day na may Temang World Environment Day: “Beast Plastic Pollution.”
Ayon kay Cimatu, maiiwasang ma-pollute ang karagatan at waterways kung iiwas ang publiko sa paggamit ng plastic items gaya ng plastic bottle, grocery bags at iba pa. “Alam naman ng lahat na halos lahat ng itinapong basura ay karaniwang sa dagat bumabagsak.”
Base sa Proclamation number 237, deklaradong environment month sa Pilipinas ang buwan ng Hunyo habang ang Hunyo 5 naman ang taunang World Environment Day. VERLIN RUIZ
Comments are closed.