BIYAHE PINAIKLI NI DUTERTE

DUTERTE

PINAIKLI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang biyahe sa Jordan at ngayong alas-9:00 ng umaga (Sabado) ay darating na sa bansa at lalapag ang sinasakyang eroplano sa Davao International Airport.

Bago lumipad pabalik ng Filipinas ay nagsagawa ng mini-Cabinet meeting si Pangulong Duterte sa Jordan.

“It (meeting) was update on security matters and economic matters,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Kabilang sa mga kasamang cabinet member na dumalo sa pulong ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Labor Sec. Silvestre Bello III, Presidential Spokesman Harry Roque, Transportation Sec. Arthur Tugade, Trade Sec. Ramon Lopez, Defense Sec. Delfin Lorenzana, DFA Sec. Alan Peter Cayetano at DILG Sec. Eduardo Ano.

Sinabi pa ni Go na tapos na ang lahat ng official engagement ni Pangulong Duterte sa Jordan kaya inagahan na lamang ng Pangulo ang kanyang pag-uwi.

Habang nasa state visit si Pangulong Duterte sa Israel at Jordan ay pumalo sa 6.4 porsiyento ang August inflation rate at pinalabas din ang presidential proclamation na nagpapawalang bisa sa ipinagkaloob na amnestiya ng administrasyong Aquino kay Senador Antonio Trillanes IV .

Pagkatapos ng pakikipagpulong sa Filipino community sa Jordan ay agad na babalik sa bansa ang Pangulo at kanyang delegasyon. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.