BOLTS KINORYENTE ANG DYIP

Bolts

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4:30 p.m. – NLEX vs Phoenix
6:45 p.m. – TNT vs NorthPort

SUMANDAL ang Meralco sa malakas na fourth quarter upang ipalasap sa Terrafirma ang 104-92 pagkatalo sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumabig si Johnny O’Bryant ng 31 points, 9 rebounds, 4 assists at 3 steals, subalit ang tulong na ipinagkaloob ng locals, sa pangunguna nina Bong Quinto at Allein Maliksi, ang naging krusyal sa 12-2 run ng Meralco na nagpalobo sa kanilang kalamangan sa 96-82 at nagbigay sa kanila ng unang panalo sa tatlong pagtatangka sa conference.

Tumapos si Maliksi na may 18 points at 6 rebounds, nagtala si

Quinto ng 17 at 7 boards at tumipa rin si Aaron Black ng 17 points habang nagdagdag si Chris Banchero ng 12 markers, 7 assists, at 5 boards na pawang nakatulong para malusutan ng Meralco ang patuloy na pagliban nina Chris Newsome at head coach Norman Black dahil sa safety protocols.

“When the ball was moving and there was a bit more flow, I think we were able to operate on the offense. We shared the ball,” ang paglalarawan ni interim coach Luigi Trillo sa turning point ng laro.

Binigyang kredito rin ni Trillo ang iba pang Bolts locals.

“Aside from Bong, who played extremely well, give credit also to CB (Banchero), Raymond Almazan, who I thought came out also and chipped in when substituted to help out the regulars,” ani Trillo.

Ito na ang ika-4 na sunod na pagkatalo ng Terrafirma at ika-20 sunod magmula pa noong nakaraang season.

Makaraang malimitahan sa 20 points at 16 rebounds lamang sa 94-106 loss sa Rain or Shine noong nakaraang Linggo, bumawi si Lester Prosper sa pagkamada ng gamehighs na 35 at 18, na nakatulong sa Dyip para magkaroon ng 19 lead changes at 10 deadlocks sa Dyip sa kaagahan ng laro.

Tumipa sina Juami Tiongson, Eric Camson at Javi Gomez de Liano ng tig-11 points, habang nagdagdag si Alex Cabagnot ng 10 points at 9 assists para sa Terrafirma.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Meralco (105) – O’Bryant 31, Maliksi 18, Quinto 17, Black 17, Banchero 12, Almazan 8, Hodge 2, Johnson 0, Caram 0, Pasaol 0, Pascual 0, Jose 0.
Terrafirma (92) – Prosper 35, Tiongson 11, Gomez de Liano 11, Camson 11, Cabagnot 10, Munzon 8, Calvo 2, Alolino 2, Gabayni 2, Cahilig 0, Javelona 0, Mina 0, Balagasay 0.
QS: 26-27, 55-52, 79-76, 105-92.