BOLTS KINORYENTE ANG ROAD WARRIORS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Philsports Arena)

4 p.m. – Converge vs NorthPort

8 p.m. –  Magnolia vs Blackwater

NAWALA ang bola ni Shaun Ildefonso ng Rain or Shine laban kay Troy R­osario ng Blackwater sa kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig. Kuha ni RUDY ESPERAS

NATAKASAN ng Meralco ang NLEX, 97-94, sa PBA Commissioner’s Cup nitong Linggo sa PhilSports Arena.

Isinalpak ni Chris Banchero ang isang floater sa huling 2.8 segundo na naging  go-ahead basket makaraang masayang ng  Bolts ang 29-point third-quarter lead.

“They were switching all ball screens and we were going to New (Chris Newsome) most of the time. Coach Nenad (Vucinic) called that last play and it was a good play. So we used New (as bait) and we faked with CB and prayed he could make that. He had a good first half so big bucket for us,” sabi ni Meralco coach Luigi Trillo.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng  Meralco para sa 4-1 record.

Pinamunuan ni Suleiman Braimoh ang opensiba ng Meralco sa pagkamada ng 38 points at 8 rebounds habang nag-ambag sina Chris Banchero ng 15 points, Chris Newsome ng 14, at Bong Quinto ng 12 points.

Tinalo ni Braimoh si Stokley  Chaffee sa kanilang match up kung saan nagtala lamang ang NLEX import ng 19 points at 8 rebounds.

Kinontrol ng Meralco ang laro at lumamang sa 84-65 sa dalawang free throws ni Braimoh makalipas ang dalawang minuto sa fourth quarter.

CLYDE MARIANO