ISABELA-DEAD on the spot ang isang barangay chairman makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Annafunan, Echague ng lalawigang ito.
Kinilala ng PNP-Echague ang biktima na si Ricardo Mencias, Kapitan ng Barangay Camarao, Cordon.
Nabatid na dakong alas-11:50 ng tanghali kahapon habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner na may plakang ACL-4430 ang biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa mukha si Mencias na tumagos sa kanyang batok na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan na kung saan ay nakita ang duguang biktima.
Sa ipinahayag naman manugang ng biktima na si Alexander Lagare, wala umano silang alam na nakaaway ng kanyang biyenan. IRENE GONZALES
Comments are closed.