IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na makokompleto ang Build, Build, Build program bago pa man matapos ang kaniyang termino sa 2022.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa harap ng ilang business leader sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing, China, sinabi nito na pursigido ang kaniyang administrasyon na tapusin ang mga infrastructure project sa natitirang taon ng kaniyang panunungkulan.
Kaugnay nito, tiniyak din naman ng Pangulo na papatawan ng parusa ang lahat ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na magtatangkang manuhol sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-impraestruktura.
Makakatuwang naman ng pamahalaan sa pagtatayo ng Sangley Point International Airport ang Cavite Holdings, China Communication Construction Co. at China Airport Construction. DWIZ 882