BWELTA NI POKWANG SA BASHERS: ‘DI KO SINABING MAGANDA AKO”

NAIINIS man si Kapuso comedienne Pokwang sa bashers na tinatawag siya at si Kapamilya comedienne Melai Cantiveros na “pangit,” pabiro pa rin itong bumwelta. Kahit kaylan, hindi raw nila sinabing maganda sila.

Ani Pokwang, kapag may nagsabing maganda sila, fake news ‘yon. Biniro rin siya ng kanyang best friend na si K Brosas. Nakalimutan daw sabihin ng bashers na laos na siya. Tinugon naman niya ito ng: “ehhh kelan ko ba sinabi na sikat ako?”

Nakakasawa na rin umano ang mga bashers na naninira ng “good vibes” na kapag sinasagot niya, magpapa-victim at sinasabihan siyang mataray.

Unang nanawagan si Pokwang sa mga trolls at bashers na i-unfollow na lang ang kanyang social media accounts kung talagang ayaw sa kanya kesa pagsalitaan siya ng masasakit.

Meanwhile, mas du­ma­rami ang ba­shers ni Pokwang matapos magdeklarang isa siyang ‘kakampink’ o supporter nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Katwiran ni Pokwang, artista man o hindi, iisa lamang ang boto bg bawat Filipino at may karapatan ang bawat isang pumili ng kanilang susuportahan.

Binantaan na raw siya na ia-unfollow sa social media ng kanyang mga followers, pero sabi niya, “Sa mga nagbabantang mag-unfollow sa’kin, hahahaa go ahead di po ako takot mawalan ng followers! Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para saking mga anak at magi­ging apo.”

In fairness, nadagdagan pa umano siya ng halos 100,000 followers sa Twitter.

RIA ATAYDE WALA NA SA PUSO NI JOSHUA GARCIA

Tila fake news nga yata ang balitang nagkakamabutihan sina Joshua Garcia at Ria Atayde. Kasi naman, kilig to the bones ang mga posing ng pictures nil ani Trina Guytingco sa beach trip ng Nguya Squad sa El Nido, Palawan kamakailan.

Ito yung barkadahan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua, Ria Atayde, at Alora Sasam, at ilan pang kapwa nila Kapamilya stars. Pero kasama rin sa trip sina Zanjoe Marudo, Hyubs Azarcon, Kyle Echarri at ang best friend ni Kathryn na si Trina.

Hindi artista si Trina kundi point guard ng Ateneo de Manila University women’s basketball team. Parehong nag-post ng pictures sina Joshua at Trina, at hindi ito naaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens. Bagay raw kasi. Anon a nga kaya? Sil ana ba?

 

RAKET NI MARIEL RODRIGUEZ PINURI NI SHARON CUNETA

Puring puri ni Megastar Sharon Cuneta ang raket ni Mariel Rodriguez na live online selling sa Facebook. Nagbebenta kasi si Mariel ng mga pre-loved branded items.

Kaso, panay ang ‘mine’ ni Robin Padilla sa mga binibenta ni Mariel lalo na kung alam niyang gusto ito ng kanyang asawa, kaya bumabalik sa closet ang mga paninda.

Ani Sharon, cute na cute siya kay Mariel habang nag-o-online selling, at natututo raw siya dito.

Ikalawang beses nang nag-online selling si Mariel ngayong buwang ito. Gusto raw kasi talaga niyang maging-online seller.

SCARLET BELO HINDI SPOLED BRAT

Nagtatrabaho sa bahay ang pitong taong anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo kahit maykaya sila sa buhay. Ito raw ang paraan ng mag-asawa para i-train ang bata.

Ani Dra. Vikki, naghuhugas ng pinggan si Scarlet, nagwawalis, nagpapagpag ng alikabok, o kahit anong magagaang trabaho na kaya ng bata. Kailangan raw matuto ag kanilang anak ng disiplina.

Hindi rin daw lahat ng gustonito ay ibinibigay nila. Paborito kasi ng lahat si Scarlet kaya maraming nagreregalo dito at ayaw raw nilang maging spoiled brat ito.

Resulta raw ng training nil ani Hayden kay Scarlet ay hindi ito naging materyosang bata. Mas naa-appreciate daw nito ang time kesa mga regalo.

Pero sa kanilang mag-asawa, si Hayden daw ang mas disciplinarian. Napapalo rin umano si Scarlet kung kinakailangan, pero controlled na palo – para lamang magtanda. Sinisi­guro rin umano nilang alam ng bata kung bakit siya napalo.