CEASEFIRE APELA NI DUTERTE SA NPA

duterte

NANAWAGAN ng agarang ceasefire o tigil-putukan sa New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, iginiit ng Pangulo na dapat nang itigil ng mga rebelde ang kanilang ginagawang pag-atake sa mga sundalo at panghihingi ng revolutionary taxes.

Ito aniya ay kung nais ng mga ito ng tunay at matinong usapang pangkapayapaan.

“Yung mga NPA, gusto talaga ninyo ng u­sapang matino, immediate ceasefire.” Walang magdala ng armas sa kampo ninyo, walang taxation, walang pagsunog,” anang Pangulo.

Kasabay nito, mu­ling inulit  ng Pangulo ang  alok kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison na bumalik ng bansa para makipag-usap sa gobyerno.

”Umuwi ka dito, Sison. Ako’ng bahala sa ‘yo. Hindi ako traydor na tao. I give you my word of honor. Mag-usap tayo.”

But nothing about coalition gov’t. You can never have even an iota of the sovereign power of the Re-public of the Philippines,” pahayag pa ng Pangulo.

Comments are closed.