CELTICS SA EAST FINALS

NAGBUHOS si Jayson Tatum ng record-setting 51 points at sumandig ang Boston Celtics sa 28-3 run sa third quarter upang gapiin ang bisitang Philadelphia 76ers, 112-88, sa Game 7 ng Eastern Conference semifinals nitong Linggo.

Binura ng 51 points ni Tatum ang NBA record para sa points na kinamada sa isang Game 7, na naitala sa kaagahan ng postseason nang umiskor si Golden State Warriors star Stephen Curry ng 50. Si Tatum ay 17-for-28 mula sa field, kabilang ang 6-of-10 sa 3-point attempts. Kumalawit din si Tatum ng 13 rebounds, nagbigay ng 5 assists at gumawa ng 2 steals.

“It felt great,” wika ni Tatum. “This was a back-and-forth series. Obviously I didn’t play well in the first half last game and I was just happy to get that opportunity to bounce back. … Game 7 is all about win or go home.”

Hawak ni John Havlicek ang record para sa points na naitala ng isang Celtics player sa isang playoff game. Umiskor si Havlicek ng 54 points sa Game 1 ng 1973 Eastern Conference semifinals laban sa Atlanta Hawks.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 25 points para sa second-seeded Celtics, na makakasagupa ang eighth-seeded Miami Heat sa Eastern Conference finals.

Magsisimula ang best-of-seven series sa Miyerkoles sa Boston.

Bumuslo si Joel Embiid, ang Most Valuable Player ng NBA ngayong season, ng 5-of-18 mula sa field at umiskor ng 15 points. Nalimitahan siya sa dalawang puntos sa second half.

Nanguna si Tobias Harris para sa third-seeded Philadelphia na may 19 points. Tumapos si James Harden na may 9 points, 7 assists at 6 rebounds.

Nakontrol ng Boston ang laro nang ma-outscore ang Philadelphia, 33-10, sa third quarter. Tabla ang laro sa 55-55, may 11:37 ang nalalabi sa third, subalit umiskor ang Boston ng 28 sa sumunod na 31 points. Hindi nakaiskor ang 76ers sa 6:23 stretch sa quarter.

“We played great all year and this loss absolutely diminishes what we did in some way,” sabi ni Philadelphia coach Doc Rivers . “… I think this team is headed right. I thought we took another step this season. And then tonight I think we took a step backward. But that’s OK. That happens, too.”

Naghabol ang Boston sa 29-23 makalipas ang isang quarter, ngunit na-outscore ang Philadelphia ng 9 points sa second at abante sa 55-52 sa halftime. Nagsalansan si Tatum ng 25 points, 7 rebounds at 4 assists sa first half.

“We just handled the ebbs and flows of the series. Never got too emotionally high or low. We were able to keep our emotions intact, which is important during the playoffs,” ayon kay Celtics coach Joe Mazzulla.