CHRISTMAS MESSAGE NI DUTERTE SUMENTRO SA KALAMIDAD AT PAGBANGON NG MGA PINOY

PRES DUTERTE

Sumentro sa mga nakalipas na pagsubok at kalamidad ang Christmas message ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo na napuno ng mga pagsubok ang taong 2020 dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at magkakasunod na kalamidad.

Subalit dahil aniya sa pagkakaisa at pagiging matatag ng mga Filipino ay nalampasan ang mga nasabing pagsubok.

Binigyang diin ng Pangulo na ang pagsilang ni Hesukristo ngayong Pasko ay maging paalala nawa sa bawat Filipino na palaging magkaroon ng pag-asa kahit pa sa panahon ng paghihirap.

Hangad ng Pangulo ang makabuluhang selebrasyon ng Pasko sa bawat pamilya.

Comments are closed.