MAGKASUNOD na araw na tatalakayin sa ‘Rise Up, Shape Up’ web series ng Philippines Sports Comission (PSC) ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa palakasan at lipunan sa pakikiisa nito sa pagdirirwang ng Women’s Month sa mga episode nito ngayong Sabado at Linggo.
Sa March 5 ay nakatuon ang episode sa mga masisipag na tao sa likod ng matagumpay na programa, proyekto at aktibidad sa sports, partikular ang Gintong Gawad 2021 “Babaeng Lider ng Isports sa Komunidad” awardee na si Ma. Janelyn T. Fundal.
Si Fundal ay isang beterano sa sports education and management. Sa pagiging pursigido ay naging supervisor siya para sa Physical Education and School Sports sa La Paz, Iloilo City. Nagsilbi rin siya bilang Provincial Government Department head para sa Iloilo Sports Development and Management Office noong 2017.
Sa March 6 naman, ang webisode ay magbibigay ng suporta sa International Women’s Day na binubuo ng isang malakas na line-up ng mga nangungunang kababaihan sa namamahala sa pambansang asosasyon sa sports sa bansa.
vvv
Everytime pala na naghaharap ang Terrafirma Dyip ni coach Johnedel Cardel at ang Barangay Ginebra ay kabado si coach Tim Cone. Hindi sa buong team kundi sa isang player ng Dyip na si Juami Tiongson na laging nagpapakaba kay coach Cone.
Sa huling paghaharap ng dalawang koponan noong nakaraang linggo ay muntikan nang matalo ang Gin Kings dahil sa shoot ni Tiongson.
Si Tiongson ang dahilan kung bakit na-eliminate ang Ginebra sa bubble game.
Nais ni coach Cone na makuha ang kalibre ng player upang makadagdag sa kalakasan sa team. Kung sakali, sino naman kaya ang magiging kapalit ng point guard ng Terrafirma kapag pumayag ang management na ibigay si Tiongson. Abangan.
vvv
Kahit kulang sa players ang Magnolia Horshots ay malakas pa rin ang tropa ni coach Chito Victolero, at laban lang sila nang laban. Wala sina Ian Sanggalang, Calvin Abueva, at Rome dela Rosa na pawang may injuries.
Kamakailan ay nanalo ang Hotshots kontra Meralco Bolts, 88-85. Sa panalo ng Magnolia ay pasok na sila sa top 4 na may kaakibat na twice-to-beat advantage.