DAWLAH ISLAMIYAH MEMBER TUMBA SA ENCOUNTER

baril

LEYTE – NASAWI ang isang Islam convert at umano’y mi­yembro ng teroristang Dawlah Islamiyah makaraang manlaban sa operas­yon na pinagsanib ng 802ns Brigade 8th Infantry Division at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ng umaga sa Sitio Lawis, Brgy. Airport, Ormoc City.

Kinilala ang nasawi na si Joseph Anulga Jr. alyas Dawud.

Sa ulat, nanlaban si Anulga sa buy bust operation na isinagawa ng CIDG kaugnay sa kaniyang gun running activities.

Nabatid din na nakipag-alyansa ito sa Daesh, international terrorist at kilala ang kaniyang kinaaniban na si Abu Bakr habang nasa Ormoc City si Dawud upang mag-recruit.

Napag-alaman pa na direktang may ugnayan si Dawud kay Yusuf Macuto na sangkot sa tangkang pambobomba sa US Embassy noong Nobyembre 16 at prime suspect sa Hilongos bombing noong Dis­yembre 2016 na nasawi naman sa Marawi siege noong isang taon.

“Anulga’s death shows the government’s conviction in protecting the people from these lawless elements, This is a clear message that your Armed Forces and Philippine National Police  will not allow neither tolerate terror groups in our midst,” ayon kay BGen. Lope Dagoy, Brigade Commander ng 802nd Brigade, Philippine Army.   EUNICE C.

Comments are closed.