SIMULA sa Nobyembre 1 ay papayagan nang makapasok sa Filipinas ang mga dayuhan partikular ang mga investor na mayroon valid visas.
Ito ang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraan itong aprobahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanilang pagpupulong noong Oktubre 22.
“These foreign nationals include those with visas issued by the Bureau of Immigration pursuant to Executive Order No. 226, or the Omnibus Investments Code, as amended, and Republic Act. No. 8756; those with 47(a)(2) visas issued by the Department of Justice; and those visas issued by the Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority and the Subic Bay Metropolitan Authority,” sabi ni Roque.
Nilinaw ni Roque na ang pagpasok ng mga naturang foreign nationals ay kailangang sumunod sa mga nakalatag na mga kondisyon kabilang na ang pagkakaroon ng valid at existing visa sa pagpasok sa bansa at pre-booked accredited quarantine facility.
Ang mga foreign individuals ay kailangang nakabatay sa maximum capacity ng inbound passengers sa mga port at ang petsa ng kanilang pagpasok sa bansa ay naaayon sa umiiral na immigration laws, rules, at regulations.
Samantala, ang mga ordinaryong dayuhang turista ayon kay Roque ay nananatiling bawal pa ring pumasok sa bansa dahil ang tourist visas na naisyu sa mga nakalipas na panahon ay na-revoke na.
“As of now, foreign tourists are not yet allowed entry, only investors,” giit pa ni Roque.
Nauna nang ipinatigil ng pamahalaan ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa noong Marso sa layuning maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.