DIDAL KUMPIYANSA SA GOLD

Margielyn Didal

HANGZHOU — Kumpiyansa si Margielyn Didal na maidededepensa ang medalyang ginto sa skateboarding women’s street sa 19th Asian Games 2023 sa Hangzhou Olympic Sports Center Stadium sa lungsod na ito ng Zhejiang Province, China. 

Silang dalawa ni World Athletics men’s pole No. 2 vaulter EJ Obiena ang bumuhat sa bandila ng bansa sa pagrampa sa parada kasama ang ilang kapwa atleta at sports officials, sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“As I said when I arrived here Wednesday, my goal is to make it to the finals. From there, I’ll try to get to the podium,” wika ng 24-anyos na Pinay skateboarder mula sa Cebu.

Silang dalawa ni Mazel Alegado ang mga kakasa sa street sa quadrennial continental sportsfest.

Samantalang sa men’s side ay magpapasiklab sina Renzo Mark Feliciano, Jericho Francisco Jr. At Motic Panugalinog.

Suportado ng Philippine Sports Commission at ng POC, nakatakda ang kompetisyon ng lima sa Sept. 25-27sa Qiantang Roller Sports Centre.

Sinabi ni Didal na malaking tulong ang Thailand training niya bago dumayo rito mula sa 11 buwang pahinga sanhi ng left ankle injury noong isang taon mula sa sinabakang Red Bull Skate Levels Tournament sa Brazil.

Kabilang siya sa PH Women’s Power Team’ na sumungkit ng apat na gold medals sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad na kinabibilangan ni Yuka Saso sa golf individual at team kasama sina Bianca Isabel Pagdanganan at Lois Kaye Go, at weightlifter Hidilyn Diaz.

Ipinagpatuloy ni Didal ang angas sa karera nang mamayagpag sa Game of Skeet at street ng 2019 PH Southeast Asian Games sa kasiyahan ng mga kababayan na nagpasigla sa kanyang sport.

Pumampito naman siya sa 2021 Tokyo Olympics bago na-injure ang kaliwang bukong-bukong.