KINUMPIRMA ni Senador Christopher Bong Go na interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman kung kaninong kampo ang lumabag sa idineklarang ceasefire ng pamahalaan at ng tropa ng mga rebeldeng New People’s Army.
Kasunod ito ng nangyaring ambush sa tropa ng gobyerno sa Camarines Norte kung saan mayroong namatay at nasugatan.
Ayon kay Go, base sa pag-uusap nila ni Pangulong Duterte, hindi masisisi ang Pangulo kung iti-terminate ang unilateral ceasefire kung mapatunayang may paglabag.
Nauna nang nanawagan si Go sa rebeldeng grupo na magtiwala sa Duterte administration dahil ito lamang ang administrasyon na sinsero sa pakikipag-usap sa mga makakaliwa.
Matatandaang kinondena ng AFP ang ginawang pananambang ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan habang nanindigan ang NDF na dumepensa lamang sila sa tropa ng gobyerno. VICKY CERVALES
Comments are closed.