NAKATAKDANG magkaroon ng virtual conference sina Pangulong Rodrigo Duterte at King of Jordan Abdullah II bin Al-Hussein.
Sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, ito ang dahilan kung kaya babalik na ng Malakanyang si Pangulong Duterte.
Umuwi ng Davao City ang Pangulo noong Agosto 3 ng gabi bago naging epektibo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon pa kay Go, tatalakayin ng dalawang lider kung paano tutugunan ang pandemya sa COVID-19.
”Babalik na rin siya sa mga susunod na araw sa Manila at marami po siyang gagampanan. Merong virtual conference na inimbitahan siya ng King of Jordan tungkol sa fight against pandemic. Magsasalita po si Pangulo doon,” pahayag ng senador.
Comments are closed.