NAKATAKDANG magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa China ngayong Agosto.Kinumpirma ito ni Senador Bong na nagsabing sinisimulan na ang pagpaplano sa pagtungo ng Pangulo sa nasabing bansa sa katapusan ng Agosto para manood ng FIBA World Cup 2019.
Sinabi ni Go na sakaling matuloy ang Pangulo ay ito ang unang pagkakataon na makakasaksi ang Chief Executive ng FIBA games na ilang taon nang bigong ma-qualify ang Filipinas
Magsisimula ang World Cup sa Agosto 31 at matatapos sa Setyembre 15.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay maaring talakayin ng dalawang lider ang mga maiinit na isyu kaugnay sa sigalot sa West Philippine Sea.
Kabilang din sa agenda ng pagpupulong ng dalawang lider ang trade relations at ang tulong na ibinibigay ng China sa Filipinas.
Comments are closed.