“DO away with delays”.
Ito ang mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pa-mamahagi ng tulong pinansyal sa mga intended beneficiaries.
Ayon sa Pangulong Duterte, ayaw niyang magkaroon ng pagkaantala sa pamamahagi ng tulong sa mga tao lalo na sa panahong ito ng pandemya.
Sinabi ng Pangulo na mayroong local government units na marami pang hinihinging requirements sa mga benepisyaryo at pagkaraa’y hihingan pa ng mga proposal.
“They will review the proposal and it would take days. I don’t know if it’s a local government who’s doing it or the money passed on to the local government to do the distribution or implementation…I do not know where the fault lies because it’s really something which is obnoxious,” pahayag pa ng Pangulo.
“All of you in the government, to those who are implementing the assistance whether the Department of Health, DILG (Department of Interior and Local Government)…local government? Barangay? Don’t require them to make proposal,” wika ng Pangulo.
Sa halip aniya ay makabubuting gawin na lamang simple ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at sa sandaling hingan ng proposal , ang naturang proposal ay kailangang pag-aralan ng hindi na aabot ng ilang linggo o buwan bago pa ito maipatupad.
“You just review it and if it says that it’s good, you give it because it’s for food…and all assistance connected with the health of a person, give it to them,” sabi ng Pangulo.
Nagbabala rin ang Pangulo na ang anumang pg-antala sa pamamahagi ng tulong sa mga tao ay maaaring mauwi sa pag-iimbestiga sa mga kinauukulang opisyal at empleyado ng gobyerno na posibleng kaharapin ang administrative o ‘di kaya ay criminal sanctions sa kanilang aksiyon.
“You will face the Ombudsman, because the Ombudsman can suspend you anytime. With strong reasons or with weak reasons, that has to be seen but he has that power,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.