“GUSTO niya magretire sometimes, sometimes naman gusto niyang tumakbo. Let’s leave him sa kanyang choice kung ano talagang gusto niya,” ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Dela Rosa na ayaw pang magretiro ni Presidente Duterte sa pulitika at gusto talaga ay tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections.
Lumutang ang isyu nang magsalita si Dela Rosa kung bakit kinukumbinsi ng ruling party na PDP-Laban na tumakbo ang Pangulo matapos nitong iwanan ang vice presidential bid.
“Tingnan natin kung talagang pinipilit ba siya or kagustuhan niya. We better get it from the horse’s mouth kung talagang gusto niya dahil ang alam ko gusto niya tumakbo talaga,” dagdag ng senador.
Si Duterte ay kilalang workaholic na ayon kay Dela Rosa ay “gusto niya (Duterte) hanggang mamatay siya nasa trabaho siya.”
Ayaw umano ng idle moments ng Pangulo o walang ginagawa.