PABIRONG pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa hindi pagngiti sa kaniya sa graduation rites ng Philip-pine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City.
Sa mismong talumpati ng Pangulo tinanong nito ang bise presidente kung bakit hindi nag-smile sa kaniya. “Bakit noon Ma’am nag-smile ka sa akin? Ngayon hindi na. Ikaw ha?,” pahayag ng Pangulo.
Bago pa man nagsimula sa kaniyang talumpati, kinamayan muna ni Duterte si Robredo. Magkatabi ang dalawa sa PMA graduation.
Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Duterte at Robredo matapos idawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na si Robredo, ang Liberal Party (LP) at si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto sa Pangulo.
Comments are closed.