ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge sa bansa sa kanyang pagdalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre 1-4.
Ang designation kay Medialdea ay napapaloob sa Special Order No. 1182 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Oktubre 30,2019.
“Whereas, to ensure continuity of government service, it is necessary to designate an Officer-in-Charge to take care of the day-to-day operations in the Office of the President and oversee the general administration of the Executive Department,” ang sabi sa kautusan.
Bagamat tumatayong OIC sa panahon ng pananatili sa Bangkok ng Pangulong Duterte ay hindi naman siya maaaring umakto sa mga bagay na nangangailangan aksiyunan ng Pangulo ng bansa na nasasaad sa Saligang Batas.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng departamento at ahensiya ng pamahalaan na alalayan si Medialdea para sa maayos na pagganap sa kanyang mga tungkulin. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.