NAKATAKDANG magharap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ito ang napag-usapan nila ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccio sa kanilang pagkikita sa selebrasyon ng Pope’s Day sa Papal Nuncio Residence sa Maynila.
Nagkasundo ang dalawa na kailangang magtulungan ang estado at ang Simbahang Katoliko para sa ikagaganda ng buhay ng mamamayan.
Welcome din sa Papal Nuncio ang mga susunod pang pulong ng mga taga-simbahan kay Pangulong Duterte.
Hindi pa inihayag kung kailan gagawin ang pulong nina Duterte at Archbishop Valles.
Isa si Roque sa mga inatasan ng Pangulo na kausapin ang mga religious groups para ipaliwanag sa mga ito ang panig ni Duterte at alamin ang kanilang mga hinaing at sentimiyento.
Hindi nakadalo si Duterte sa Pope’s Day celebration sa Apostolic Nunciature sa Malate, Manila kamakalawa.
Nagpadala na lamang ng kinatawan ang Pangulo sa naturang okasyon.
Maliban kay Roque, dumalo sa pagdiriwang sina DFA Undersecretary Ernesto Abella at Pastor Boy Saycon na mga miyembro ng binuong lupon na nakikipag-diyalogo sa taga-simbahang Katolika. AIMEE ANOC
Comments are closed.