IGAGALANG ng EDSA People Power Commission ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi ito makadadalo sa paggunita sa ika-33 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution sa Pebrero 25.
Ayon kay Commissioner Pastor “Boy” Saycon, walang problema kung hindi makararating sa nasabing anibersaryo si Pangulong Duterte.
Gayunpaman, ani Saycon na dahil sa kabilang sila sa tanggapan ng Office of the President, alam ni Pangulong Duterte ang la-hat ng mga programang ilalabas ng 5-member commission.
Sa inilabas na advisory, mayroon umanong aktibidad si Pangulong Duterte sa Metro Manila sa hapon ng Pebrero 25 subalit wala itong kinalaman sa EDSA.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi dumadalo ang Pangulo sa nasabing okasyon mula nang maupo ito sa puwesto noong 2016.
Comments are closed.