LUMIPAD kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Bangkok, Thailand para dumalo sa 35th ASEAN summit.
Dakong alas-4 ng hapon tumulak ang Pangulong Duterte mula sa Davao City patungong Thailand.
Inaasahang magsisimula ngayong araw ang opisyal na trabaho ni Pangulong Duterte sa ‘summit and related summits’ kasama ang iba pang mga pinuno na miyembro ng ASEAN sa Nonthaburi.
Mananatili ang Pangulo sa Thailand hanggang Lunes, Nobyembre 4.
Samantala, inaasahang magpapahinga ng isang buong linggo si Pangulong Duterte sa pagbalik nito sa bansa alinsunod na rin ng payo ng kanyang doktor matapos na makaramdang ng muscle spasm. DWIZ882
Comments are closed.