DUTERTE GINAWARAN NG HONORARY DOCTORATE DEGREE SA  MOSCOW

duterte

MOSCOW, Russia- Ginawaran si Pangulong Rodrigo Duterte ng honorary doctorate degree ng Moscow State Institute of International Relations (MGIMO) University rito.

Ang honorary degree ay karaniwang ipinagkakaloob  ng MGIMO University sa mga prominenteng  foreign politicians, public experts, diplomats at scholars na nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng international relations at foreign policy.

Ang parangal ang kauna-unahang doctorate degree na natanggap ng Pangulo.

May kalakip na mga letrang “H. C.” na may katumbas na salitang “Honoris Causa”.

“I have never accepted an honorary doctorate. I have never done anything for accolades. From my father, I learned that public service is the greatest honor and its own reward,” sabi ng Pangulo nang tanggapin ang parangal noong Sabado ng hapon. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.