HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na unang maturukan ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito mismo ang tiniyak ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque upang mapawi ang takot ng publiko sa posibleng epekto ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Roque, makatitiyak ang publiko na uunahin ng Pangulo ang kapakanan at kalusugan ng taumbayan kaysa sa interes ng iilan.
Matatandaang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na sa ika-20 ng Pebrero na inaasahang darating ang suplay ng bakuna sa bansa at agad din namang uumpisahan ang vaccination program pagdating ng suplay nito.
Kahapon ay inulat na may 23 senior citizen sa Norway ang nasawi matapos mabakunahan laban sa COVID-19.
Comments are closed.