DUTERTE HINDI NA MAGTATALAGA NG BAGONG ANTI-ILLEGAL DRUG CZAR

DUTERTE-41

WALA  nang planong magtalaga pa ng ba­gong anti – illegal drug czar si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sibakin si Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Interagency Committee In Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Pangulong Duterte, nadala na siya sa pagtalaga niya kay Robredo.

Sinabi ng Pangulo, noong nakipag-usap si Robredo sa mga opisyal ng US Embassy sa unang araw pa lamang nito sa puwesto ay kanya nang naisip na sibakin ito agad.

Iginiit ng Pangulo, inu­na pa ni Robredo na kausapin ang mga taga-ibang bansa kaysa pulungin ang mga alkalde, barangay captain at iba pang may kinalaman sa drug rehabilitation sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, kanya nang pinalagpas ang  pagga-grandstanding ng Pangalawang Pangulo sa simula pero hindi ito tumigil dahilan kaya sinibak na lamang niya ito sa puwesto. DWIZ882

Comments are closed.