MARIING itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan ang kanyang pamilya partikular ang panganay na anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa illegal drug trade sa bansa.
“I assure you, we are not into it,” tugon ng Pangulo nang tanungin ng mga mamamahayag noong Huwebes ng gabi sa Palawan kaugnay sa kumakalat na video na nagsasabing sina Paolo Duterte at ang kapatid ng bayaw nitong si Manases Carpio na si Agriculture Undersecretary Waldo Carpio, ay nasa illegal drugs.
Ayon sa Pangulo ang video na nai-post sa social media na nag-aakusa sa anak na si Paolo ay isa lamang propaganda.
“Well, that is a propaganda that has been repeated all the time. I know that’s propaganda. I wast told,” giit pa ng Pangulo.
Inakusahan ng Chief Executive na ang oposisyon ang nasa likod ng naturang video.
Samantala, pinabulaanan naman ni Sen. Antonio Trillanes na may kinalaman siya sa nabanggit na video.
Magugunita na hinamon ni Trillanes ang nakababatang Duterte na ipakita ang kanyang likod na aniya’y mayroong tatoo na nagpapatunay lamang na si Paolo ay miyembro ng isang drug triad.
Mahigpit ding pinabulaanan ni Paolo ang pagdadawit sa kanya sa ilegal na droga. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.