DUTERTE KUKUWESTIYUNIN ANG MOA SA RAPPLER

KUKUWESTIYUNIN mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commission on Elections Spokesperson James Jimenez kaugnay sa pinasok nitong Memorandum of Agreement (MOA) sa Rappler hinggil sa pagsasagawa ng fact checking ngayong panahon ng eleksiyon.

Ayon kay Duterte, nais niyang malaman mula mismo kay Jimenez kung ano ang kanilang mga naging kasunduan ng Rappler para isulong ang naturang MOA.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na aaksiyunan o maglalabas ng kanyang desisyon ukol dito si newly appointed Comelec Chairman Saidamin Pangarungan.

Samantala, inihayag pa ng Punong Ehekutibo na buti na lamang at naibasura na ang MOA sa pagitan ng Comelec at Rappler matapos na kuwestyunin ito ng solicitor general sa Korte Suprema.