DUTERTE LUMUHOD SA BLAST SITE, HUMALIK SA LUPA

duterte

BILANG parangal   sa mga nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu humalik sa lupa si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na mismong pinangyarihan ng insidente.

Sa mga larawan na ibinahagi sa media ni Senador Bong Go, nakitang lumuhod ang Pangulo at saka humalik sa lupa nang siya ay bumisita sa blast site sa Jolo Lunes ng umaga.

Nag-alay rin ang Pangulo ng bulaklak sa blast site at binisita ang mga sugatang sundalo sa  Kuta Heneral Hospital.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagluhod ay pagbibigay-dangal sa mga sundalo at mga sibilyan na nasawi sa pagsabog.a

Nangako ang Pangulo sa mga sundalo na patuloy silang susuortahan ng pamahalaan sa pagtugis sa mga terorista.

Comments are closed.