DUTERTE MAGIC GUMAGANA PA RIN

duterte

ANG naging resulta ng 2019 midterm elections ay pagpapatunay lamang na nananatili pa rin ang Duterte magic at lakas ng suporta ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang mabigo na makapasok sa Magic 12 ng mga senatoriable ang mga kandidato ng Otso Diretso.

“The victory of the administration’s candidates and the shut out of Otso Diretso  candidates send a strong message that our people yearn for stability and continuity of the genuine reforms that this administration started. They yearn for a constructive not for obstructionist-Senate which will help in crafting the President’s legislative agenda,” wika ni Panelo.

Ang resulta ng katatapos na halalan ay pagpapakita lamang na hindi tinatanggap ng taumba­yan ang mga negatibong propaganda na ibinabato laban sa Pangulo gaya ng isyu sa extra judicial kil­lings, giyera kontra droga, South China sea  at iba pa.

Kasabay nito ay pinapurihan ni Panelo ang Filipino electorate na nagpakita ng kanilang lakas at naipamalas sa mundo ang umiiral na demokrasya sa bansa bunsod ng matagumpay na halalan.

Nanawagan si Panelo sa  supporters ng Otso Diretso  na tanggapin na ang pagkatalo at sa halip ay makipag-kaisa at tumulong na lamang para sa ikauunlad ng bansa.

“We, therefore, laud our electorate for expressing their will in the strongest and unequivocal manner. To the Otso Diretso and their supporters, we thank you for giving your best shot and fighting a good battle…We respect dissent as it vitalizes the democracy of our nation. In the end, however, it is the will of the people that prevails,” dagdag ni Panelo.

“We only have one government and one nation. Together let us support for the betterment of the Philippines that we love” giit pa ni Panelo.

Samantala, suportado ng Malakanyang ang pagsasagawa ng Senado at Kamara na maimbestigahan ang mga nangyaring aberya sa  vote counting machines (VCMs) noong nakaraang Lunes.

Naniniwala si Panelo na anumang hakbang na makabubuti sa pagkakaroon ng malinis na electoral process ay handang suportahan ng Palasyo.

Magugunita na maraming naiulat na iba’t ibang voting precints sa bansa ang nagkaroon ng aberya ng mga VCM. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.