TATLONG araw na magpapahinga ang Pangulong Rodrigo Duterte simula ngayong Martes, ika-12 ng Nobyembre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, posible pa aniyang magkaroon ng pagbabago hinggil dito.
Hindi tiyak ni Panelo kung ang pagpapahinga ng Pangulo ay batay sa payong medikal, ngunit sinabi nito na kulang sa tulog ang Punong Ehekutibo.
“Palagay ko ‘yun lang kulang niya. Lagi siyang kulang ng tulog,” ani Panelo.
Inaasahan namang gugugulin ng Pangulo ang kanyang tatlong araw na pagpapahinga sa kanyang tahanan sa Davao City.
Samantala, si Executive Secretary Medialdea naman ang magiging in-charge habang nagpapahinga ang Pangulo. DWIZ882