DUTERTE MALAKAS AT STABLE–SEC DUQUE

DUTERTE-37

TINIYAK kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na malakas at stable ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kaya nitong gampananan ang pagi­ging pangulo ng Filipinas, na isang napakahirap na tungkulin, sa kabila ng pag-aming may taglay itong bagong karamdaman.

Matatandaang sa kanyang official visit sa Russia, inamin ng Pangulo na mayroon siyang sakit na ‘Myasthenia Gravis.’

Nang mahingian naman ng reaksiyon hinggil dito si Duque, sinabi nito na ang bagong sakit na binanggit ng pangulo ay dropping eye lid o may technical term na ‘Ptosis.’

Ipinaliwanag ng kalihim na ang naturang karamdaman ay hindi naman seryoso at hindi makakasagabal sa productivity o pang-araw-araw na gawain ng sinumang indibiduwal na mayroon nito, gaya ni Pa­ngulong Duterte.

Bilang patunay,  bilib nga aniya si Duque sa tibay ng presidente na pagkagaling sa Russia, ay tumuloy pa sa ibang mga commitment nito.

Anang kalihim, may ilang pinupuntahan pa ang punong ehekutibo na hindi na nako-cover ng media, gaya ng mga burol at iba pa, ngunit lahat ito ay nagagawa niya dahil stable naman ang kalagayan nito.

Kuwento pa ni Duque, talagang malakas ang presidente na sa tuwing may cabinet meeting ay nag-uumpugan na ang ulo ng mga miyembro ng gabinete sa antok at pagod, ngunit ang pangulo aniya ay tila walang kapaguran kahit madaling araw na kung matapos ang kanilang pulong.

“It’s not serious, it can’t hinder the productivity of an individual so walang problema.  Ang tibay nga ga­ling Russia tuloy sa kung saan.  Hindi lang nako-co­ver (ng media), pinupuntahan niyang patay, binibisita niya sa mga ospital, mga pulis, sundalo..” ani Duque, sa isang forum sa Maynila.

Maging ang ‘Buerger’s Disease’ naman na taglay rin daw ng pangulo, ay hindi rin dapat na ikabahala dahil nadadaan naman ito sa gamot.

“Sa Buerger’s disease, you just stop smoking e so yung kanyang circulatory compromise circulation maayos na gamot, ok lang.. the president is actually very strong… kami… pag cabinet meeting umpugan na ulo namin e. Si Presidente, tuluy-tuloy pa din… 6pm start, 1am na natatapos minsan,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.