DUTERTE MANINIBAK NG OPISYAL

duterte

MAAARING may sibakin na naman si Pangulong Rodrigo Duterte na opisyal na itinalaga nito sa pagbabalik sa bansa matapos dumalo sa leaders meetings ng 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ito ang mistulang pahiwatig ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community kung saan inamin nito na ang nasabing opisyal ay nasasangkot sa ilang katiwalian.

Inihayag din ng Pa­ngulo na makailang beses na rin daw itong opisyal na nagtungo sa ibang bansa gamit ang pondo ng pamahalaan.

Iginiit ng Pangulo, sa pag-aakalang may maitutulong ang naturang opisyal sa kanyang administrasyon kung kaya’t itinalaga niya ito subalit, taliwas ito sa kanyang mga ginagawa.

Kaya’t  napagdesisyunan ng Pangulo na tanggalin niya ito sa puwesto kahit pa isa siya sa mga sumuporta noong siya ay kumandidato bilang mayor ng Davao.

Comments are closed.