MATAPOS maglabasan ang malisyosong balita na patay na ang Pangulong Rodrigo Duterte, nanindigan ang Malakanyang na hindi nila ilalabas ang medical bulletin ng Pangulo.
Tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang matinding sakit ang Pangulo at nagpahinga lamang ito kaya hindi ito nakadalo sa isang event sa Palo, Leyte.
Kumalat sa Facebook post na patay na umano ang Pangulo, na hinihinalang ang pasimuno nito sa social media ay ilang mga kritiko rin ng Chief Executive sa politika.
Dahil dito ay naglabas ng video ang partner ng Pangulo na si Honeylet Avancena na nagpapakitang masigla at kasama nitong kumakain sa lamesa.
Ayon kay Panelo, hindi na magsasampa ng kaso ang Malakanyang sa mga nagkakalat ng maling balita.
Sinabi pa nito na matagal nang ikinakalat ito kaya wala nang naniniwala at pinagtatawanan na lamang ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.