SA DAVAO City nagdiwang ng Pasko si Presidente Rodrigo Duterte kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Nag-post si President’s daughter, Davao City Mayor Sara Duterte, ng larawan ng kanyang ama at inang si Elizabeth Zimmerman, habang àng dalawa ay nag-uusap.
Nauna rito ay binigyang diin ng Pangulo àng kahalagahan ng pagkakaroon ng oras para sa pamilya.
Taong 2000 nang tapusin nina Duterte at Zimmerman ang kanilang 27-taong pagsasama. Sila ay may tatlong supling na sina Davao City Mayor Sara, Rep. Paolo Duterte at Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte.
Nakatakda namang magdaos ng special meeting ngayong araw sa Maynila ang Pangulo, mga tauhan ng IATF at mga eksperto sa COVID-19 dahil sa pagkakaroon ng bagong strain ng nasabing sakit.
Comments are closed.