MOSCOW, RUSSIA- Agad na sinimulan ang unang aktibidad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow na bilateral meeting nila ni Russian Prime Minister Dimitry Medvedec na kanyang unang nakaharap sa sidelines ng ASEAN Summit sa Vientuanve, Lao PDR noong Setyembre 2016.
“We expect key agreements – including in political cooperation, health, science and technology, and culture – to be signed,” sabi ng Pangulo sa media.
“Apparently this most basic principle of a rule that governs the relations between nations have been forgotten by some idiots in some parts of the world,” dagdag pa ng Pangulo.
Nakalinya sa mga aktibidad ng Pangulo ang wreath laying ceremony sa Oktubre 4 sa Tomb of the Unknown Soldier na susundan ng walking tour sa Moscow Kremlin.
Pagkatapos nito ay pupulungin ni Pangulong Duterte sa Moscow ang mga Filipino at Russian businessmen upang hikayatin na magnegosyo sa Filipinas na susundan ng Philippine Cultural Gala Performance.
Magsasalita rin ang Pangulong Duterte kaugnay sa independent foreign policy ng kanyang administrasyon sa mga future diplomat ng Russia sa Moscow State Institute of International Relations na siyang nangungunang Russian university para sa international, political, legal at economic studies.
“With hard work from both the Philippines and Russia, we can begin realizing the benefits of a partnership more than four decades in the making,” sabi pa ng Pangulo.
Nakatakdang rin siyang dumalo sa pagtitipon ng mga Filipino community sa Russia dakong alas-7 ng gabi sa Oktubre 5 bago lumilad pabalik ng bansa.
Kabilang sa delegasyon ng Pangulong Duterte sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Agriculture Secretary William Dar, Labor Secretary Silvestre Bello III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, Trade Secretary Ramon Lopez, Environment Secretary Roy Cimatu, Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña, Energy Secretary Alfonso Cusi, Communications Secretary Jose Ruperto Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Presidential Spokesperson Salvador Panelo, at Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta.
Unang bumisita si Pangulong sa Russia noong Mayo 2017 subalit agad ding bumalik ng Filipinas makaraang kubkubin ng grupong ISIS ang Marawi City na siyang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Martial Law ang Mindanao.
Dumating ang Pangulo alas-3:25 ng madaling araw (Russia time) o alas 8:25 ng umaga (Philippine time) ng Miyerkoles sa Vnukovo Military Airport Base at siya ay sinalubong ng Russian officials mula sa State Protocol Department sa pangunguna ni Deputy director Andrey Igorevich kasama sina Anatoly Borovik, na siyang deputy director ng Third Asian Department.
Ang Pangulo ay muling nagbalik sa Russia sa pangalawang pagkakataon sa imbitasyon na rin ni President Vladimir Putin. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.