KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng mga kapatid na Muslim ng pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr.
Sinabi ng Pangulo na kaisa niya ang sambayanang Filipino sa selebrasyon at pasasalamat sa nabanggit na selebrasyon.
“My warmest greetings to our Muslim brothers and sisters in the Philippines and across the globe as they celebrate Eid’l Fitr. The entire Filipino nation joins them as they offer prayers of praise and thanksgiving as well as demonstrate the virtues of islamic faith in accordance with the teachings of Allah through the Quran,” sabi ng Pangulo sa kanyang mensahe.
Umaasa ang Pangulo na magsilbing pagkakataon ang araw na ito upang mapagnilayan ng mga Muslim ang tungo sa mas pinalakas na paniniwala sa Poong Maykapal.
“May all Muslim Filipinos observe this day as a time for reflection, enlightment and renewal of commitment to much stronger devotion to al-mighty,” sabi pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
RAMADAN MAGING DAAN NG KAPAYAPAAN — ARCH. LEDESMA
Sa pakikiisa ng Simbahang Katoliko sa layunin ng Banal na Buwan ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim ay umaasa ang isang arsobispo ng Simbahang Katolika na ang pagtatapos ng isang buwang paggunita ng Ramadan ay magiging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon, hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.
Ayon kay Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng Episcopal Commission on Mutual Relations ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), tulad ng panalangin ni Pope Francis, ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pangkabuuang pagkakapatiran.
Ibinahagi ni Ledesma ang panalangin para sa pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
“We hope that season of prayer will also bring about what Pope Francis and his counterpart in Abu Dhabi will say ‘we pray for fraternal humanity among all peoples that we are all brothers and sisters under the creator All Mighty God’ so this is our prayer and aspiration as we moved on in Mindanao, we work together for peace and development for everyone, again my greeting to our Muslim brothers and sisters…” mensahe ni Ledesma, para sa Eid’l Fitr, sa panayam sa Radyo Veritas.
“We greet our Muslims brothers and sisters sa pagtatapos nila ng Ramadan season, it has been a month of prayer and also we pray that we arrive at the genuine development and reconciliation of peoples of Mindanao especially now with the start of the Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao…” aniya.
Una nang sinabi ng Santo Papa na nawa ay magbunga ng pangkabuuang pagkakapatiran ang paggunita ng Banal na Buwan ng Ramadan o Islamic Holy Month ng mga Muslim. ANA ROSARIO HERNANDEZ