NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng madugong pag-atake sa mga bata sa Kawasaki, Japan.
Ayon sa Pangulong Duterte, hindi makatao ang ginawang mass stabbing sa mga batang estudyante noong Miyerkoles ng gabi.
“I express my profound shock and grief over the mass stabbing incident which regretfully happened in Kawasaki,” pahayag ng Pangulo.
Nakikisimpatiya ang Pangulo sa mga pamilya ng biktima na aniya’y nangangailangan ngayon ng lakas upang malampasan ang kinakaharap na pagsubok.
“I am outraged by this brutal attack against innocent young children,” giit pa ng Pangulo.
Kaisa aniya ang pamahalaang Filipinas ng bansang Japan upang agad na mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng madu-gong krimen na nangyari habang naghihintay ng school bus ang mga batang biktima.
Bitbit ang dalawang patalim sa magkabilang kamay ng umano’y suspek na si Ryuichi Iwasaki, 51 anyos, nang walang pakun-dangang pagsasaksakin ang mga bata kung saan napuruhan at nasawi ang isang onse anyos na batang babae at isang 39 anyos na tatay, habang 17 iba pa ang nasugatan.
Nagpakamatay rin ang suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili matapos ang ginawang krimen. EVELYN Q.
Comments are closed.