DUTERTE NASA MABUTING KALUSUGAN

DUTERTE

NASA KAMA LANG NAG-REST.

Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go nang kunan ng pahayag kaugnay sa post ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na nasa “coma” si Pangulong Rodrigo Duterte mula noong Linggo ng gabi.

“Nasa kama lang nag-rest, kausap ko pa 2 am kaninang madaling araw si PRRD. Baka nanaginip lang si Joma then napalitan lang ni Joma ng letter C ang pangalan niya. Siya pala ‘yun,” giit pa ni Go sa pinadalang text message kahapon.

Sa kanyang post sa facebook page ay nai-post ni Sison ang kuhang larawan kay Pangulong Duterte noong Sabado ng gabi sa ginanap na national conference ng San Beda Law Lex Talionis na aniya’y maraming nakapansin sa pangingitim sa mukha ng Pangu-lo at ang lalo pang kinakitaan ng panghihina sa paglalakad at maging ang pagkamay sa mga bisita ay hindi na matatag.

“Absolutely false,” ito naman ang giit ni Pesidential Legal Adviser Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, malakas na malakas ang Pangulong Duterte at nasa mabuting kalusugan ito.

“Perhaps that is the wish of Joma Sison hence when he is fed with the wrong information on PRRD’s  health he easily believes in it,” sabi pa ni Panelo sa ipinadalang  text message sa mga mamamahayag.

Samantala, tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa mabuting kalusugan ang Pangulong Duterte at wala naman siyang nakikitang kakaiba sa mukha niya.

“Joma Sison is a spent revolutionary, not a doctor. Let’s not listen to him as far as medical condition  is concerned,” giit pa ni Roque.

The President already said that he was given a clean bill of health during a routine check-up,” pag­tatapos nito.   EVELYN QUIROZ

Comments are closed.