DUTERTE NASA ‘TIP-TOP CONDITION’

PRES-DUTERTE

MISMONG si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang nagsabi na walang dapat na ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni  SAP Go kasunod ng lumutang na ulat na isinugod  sa ospital ang Pangulo  dahil umano sa pagsusuka ng dugo.

Sinabi ni Go,  na nasa “tip-top condition” ang kalusugan ni Pangulo  para pangunahan ang pagtitimon sa bansa sa susunod na apat na taon.

Napakalusog  umano ng Pangulo at walang dapat na ipangamba ang publiko hinggil sa estado ng kalusugan nito.

Dagdag pa ng kalihim na karapatan ng bawat Pinoy na malaman ang health status ng pangulo kaya’t wala silang anumang itatago sa kanyang kondisyon. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.