DUTERTE pa rin. Ito ang lumabas sa mga surveys kamakailan sa Davao kung saan makikita ang mas tumataas na pagmamahal ng mga Dabawenyo sa pamilyang Duterte.
Bukod sa landslide percentage sa pagka-Bise ang anak na Presidente at Davao City Mayor Inday Sara Duterte, kinopo din ng mga kapatid nito 80 percent pataas na si Cong. Paolo “Pulong” Duterte na natakbo uli bilang mambabatas sa unang distrito at nakakabatang kapatid na si Baste Duterte na natakbo sa pagka-Alkalde.
“Mas malinaw pa po sa patak ng ulan ang kabutihan ng mga Duterte sa lahat ng mamamayan dito sa Davao. Kasama kami sa pag-asenso at hindi napapabayaan,” pahayag ng isang mangingisda na isa sa libo-libong natulungan nang pumasok ang pandemya.
Sa kabuoan, kung ganapin man ngayon ang eleksyon, makukuwa ng magkakapatid ang halos lahat ng boto.
Maging si former Senator Bongbong Marcos ay inaasahan na din magiging landslide victory sa Davao dahil na din sa ka-tandem nito na si Mayor Sara sa pagka-Bise Presidente.