DUTERTE PINULONG ANG BANGSAMORO OFFICIALS

Pangulong Rodrigo Duterte-3

PINULONG kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga opisyal ng Bangsa­moro government upang talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa pamamalakad nito.

Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na bumuo siya ng komite na bubuuin ng mga miyembro ng gabinete na siyang aalalay para sa maayos na pamamalakad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Pangulo, kakailanganin pa ng karagdagang mga opisyal na magsisilbing liaison sa pagitan ng national government at BARMM.

“I formed a committee of just a few members of the Cabinet to assist them in building the structure of a BARMM,” sabi ng Pangulo.

Pinag-usapan din aniya sa nabanggit na pakikipagpulong sa   BARMM officials sa pangunguna ni Interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim ang agarang remittance ng budget ng rehiyon.

“Just like any government office, you have to have money to buy supplies, to pay the employees, and everything,” sabi pa ng Pangulo.

Nauna nang inanunsiyo ni Pa­ngulong Duterte ang paglilipat kay da­ting Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa Mindanao Development Authority upang magsilbing point person niya sa BARMM. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.