HINDI inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ilagay sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ang Pilipinas
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang desisyon ng Pangulo habang hindi pa naipatutupad ang vaccination program ng pamahalaan.
“President Rodrigo Roa Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) unless there is a rollout of vaccines,” pahayag ni Roque.
Sinabi ni Roque na bagamat kinikilala ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng tuluyang pagbubukas ne ekonomiya at ng epekto nito sa pang araw-araw na pamumuhay ng sambayanan ay hindi ito kumbinsido na isailalim sa MGCQ ang bansa.
“However, the President gives higher premium to public health and safety. PRRD also wants vaccination to start the soonest possible time in order to ease the community quarantine,” giit ni Roque.
Wala pang natatanggap na COVID-19 vaccine ang Filipinas.
Nauna rito ay iminungkahi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na isailalim na sa MGCQ ang buong bansa upang tuluyan nang mabuksan ang ekonomiya sa harap na rin ng pagtaas ng bilang ng nga nagugutom sa bansa.
Ang mungkahing ito ay suportado rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.