NAKATAKDANG tumulak sa South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para sa Association of Southeast Asian Nations-Republic of Korea Commemorative Summit sa Busan.
Gaganapin ang pagpupulong sa Nobyembre 25 hanggang 26.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaring magkaroon ng bilateral meeting ang Pangulo at si South Korean President Moon Jae-In.
Maaring talakayin sa pulong patungkol sa kalakalan, seguridad, at lahat ng common concerns ng dalawang bansa.
Noong Hunyo ng nakaraang taon nang huling bumiyahe ang Pangulo sa South Korea kung saan napaigting ng dalawang bansa ang usapin sa trade, defense, security, infrastructure project at iba pa.