DUTERTE UMIIGI NA ANG KALUSUGAN

duterte

UMAAYOS na ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Kung susukatin aniya ang sakit ng muscle spasm na nararanasan ng  Pangulo ay one fourth na lamang ito kumpara sa matinding sakit na naranasan habang nasa enthronement ni Emperor Naruhito sa Japan noong nakaraang linggo.

Sinabi pa ni  Panelo na nakapag-treadmill na ang Pangulo.

Tuloy rin ang pag-inom ni Pa­ngulong Duterte ng pain reliever para tuluyan nang gumaling ang muscle spasm.

Kahapon ay pinangungunahan ng Pangulo  ang oath taking ng bagong appointed government officials.

Tiniyak din ng Palasyo na tuloy  ang biyahe ng Pangulo sa Thailand para sa Asean Summit na gaganapin sa Nobyermbre 2 hanggang 4.

Comments are closed.