NAKABAWI ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘very good’ sa third quarter mula sa record-low ‘good’ sa second quarter, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang Third Quarter survey, lumabas na 70 percent ng mga Filipino ang satisfied, 16 porsiyento ang dissatisfied habang 14 naman ang undecided.
Kumpara sa June 2018 survey ay tumaas ng limang puntos ang Pangulo gayundin ay tumaas ang net satisfaction rating nito sa +54 o ‘very good.’
Dahil dito, siyam na puntos ang itinaas nito mula sa kanyang huling record na +45.
Nabatid na ginawa ang survey sa may 1,500 respondents na nasa edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview mula Setyembre 15 hanggang 23, 2018 na kung saan 600 sa mga ito ay mula sa Luzon habang tig-300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Comments are closed.