EALA SA PSA FORUM

psa

MAGIGING panauhin si bagong Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa kauna-unahang pagkakataon sa isang face-to-face session sa groundfloor ng Rizal Memorial Sports Complex.

Si Eala ay sasamahan ng mga opisyal ng NCAA Management Committee, sa pangunguna ni chairman Estefanio Boquiron sa weekly sports program na magsisimula sa alas-10 ng umaga.

Inaasahang ilalatag ni Eala ang kanyang mga plano at programa para sa government sports agency makaraang palitan si William ‘Butch’ Ramirez bilang PSC chief.

Samantala, tatalakayin ng mga opisyal ng NCAA ang nalalapit na Season 98 na opisyal na magsisimula sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ang weekly sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang session ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.